| | Anu ba ang ibig sabihin para sa iyo nang salitang makapagisa? Yun ba yung humiling ng panahon para makapagisip at makalimot ang nakaraan? O maghanap ng panibagong mamahalin?! Kahit anu man ang ibig sabihin nito para sa iyo sa aking palagay ito’y naging malaking kasinungalingan lamang…. dahil hindi ka naman magmamahal ng iba kung ako lang ang mahal mo diba?! Hindi ka naman maghahanap ng iba kung ako lang ang nagiisa sa puso mo diba?! Sana mapagisipan mo yan…
Nang sabihin mo na ayaw mo masaktan ang kahit sinong babae gumawa ka sana ng paraan kung ayaw mo talaga maramdaman niya yun…. Pero puro salita na lang pala…. Hindi mo man lang nalaman na marami akong tinalikuran at maraming sakripisyong ginawa ko para sa iyo… pero hindi mo nalaman yun dahil ako naman may kagustuhan nun eh.. para mapatunayan kong mahal kita…. Sabi mo pa nga gusto mo maging katulad tayo ng dati…. Pero parang ikaw ang nagmukhang may ayaw noon? Kasi ikaw yung nawala na lang ng bigla at lumayo sa akin…
Ok lang naman dahil alam ko nakahanap ka na ng kapalit diba?! Wala nang ibang taong katulad mo… at kahit kailan hindi na ako makakahanap ng ganoong tao ulit… ikaw ang kauna unahang lalaki na minahal ko ng lubusan…. Ikaw din lang ang lalaking na biglang tinalikuran ang lahat ng hindi man nagpapaliwanag nga maayos…. SANA SINABI MO NA LANG SA AKIN NA AYAW MO SA AKIN AT MAY MAHAL KA NG IBA KAYSA PINALIGOY MO PA ANG LAHAT AT NAKASAKIT PA SA AKIN…. Maraming salamat na lang sa mga alaala pero hindi ko lubusang maisip na ginanito mo ang isang taong minahal ka ng buong buo at hindi ka iniwan kahit kailan ng buhay mo…. Kasi ikaw yung nangiwan diba?! Sana maging maligaya ka sa piling ng iba....
paalam na…….
nagiisang teddy ko pero hindi ang nagiisang teddy niya…. (MAGSAMA KAYO NG TEDDY MO!!!!) |
| | Posted 9/20/2004 9:58 AM - 35 Views - 0 eProps - 0 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |